Home » News » News Roundup » Pulis patay sa ambush

Pulis patay sa ambush

Patay ang isang pulis nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni Senior Supt. Johnson Almazan, Caloocan Police chief, ang biktima na si Police Officer 2 Marlo Medina Bautista, 48, nakatalaga sa Police Community Precinct (PCP 5).

Base sa imbestigasyon, papunta na ng police station si Medina sakay ng kanyang motorsiklo nang tambangan ng dalawang armadong lalaki na nakamotorsiklo rin sa Ilang Ilang Street, Barangay 178, Camarin, Caloocan City, dakong 7 a.m.

Mabilis na tumakas ang gunmen, ngunit bumalik sila pagkalipas ng ilang minuto upang kunin ang service firearm ng nakabulagtang si Bautista at muli siyang paputukan ng ilang beses, ayon sa witnesses.

Sinabi pa ng mga testigo na nakasuot ang mga salarin ng helmets, jackets at denim pants.

Ayon sa isang police officer na ayaw magpabanggit ng pa-ngalan, bago naganap ang pamamaril, iniimbestigahan si Bautista dahil umano sa mga illegal na gawain sa Camarin.

Na-recover sa crime scene ang 15 basyo ng bala. Kasalukuyan pang sinisiyasat ng pulisya ang insidente. (Jel Santos)

comments