Home » Entertainment » Dingdong forgoes family vacation for teleserye

Dingdong forgoes family vacation for teleserye

NA-postpone ang dapat na Christmas vacation ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Spain para maipakilala na sa ama ni Marian ang apo nitong si Zia Dantes.

Sunud-sunod daw kasi ang matinding schedule ni Dong para sa teleseryeng “Alyas Robin Hood” na mataas ang rating sa primetime.

Magte-taping daw sila bago mag-Pasko at bago mag-New Year ay tuloy ang tapings nila.

“Masaya kami dahil tinatangkilik ang Alyas Robin Hood.

“Actually, ngayon tayo bumabawi dahil sa first half ng taon, hindi ako gumawa ng teleserye or movie. Naging busy ako sa pagiging daddy ko kay Zia.

“Akala ko hanggang sa katapusan ng taon ay gano’n, pero biglang dumating ang teleserye na ito and it was a surprise kasi maraming nagkagusto and we’ve been enjoying the high ratings.

“Kaya ‘yung plan namin na magbakasyon sa Spain ay na-move namin kasi nga nagpu-four taping days na kami for the teleserye. Umalis kasi si Megan Young for the Miss World kaya ina-advance na ang mga scenes niya. When she comes back, taping kami ulit.

“Kung hindi kami mag-tape bago mag-New Year, wala kaming maipapalabas. Kaya tuloy-tuloy lang kami,” ngiti pa ni Dong.
Kung magbabakasyon daw sila ng pamilya niya, baka sa malapit lang.

“Baka dito-dito lang kami. Yung madaling mapuntahan at makabalik.

“Isa nga yan sa Christmas wish ko. To spend at least 5 days with my family na wala akong iniisip na trabaho.

“Hopefully, mangyari naman ‘yan kasi sobra ang workload natin but I am happy na nangyayari ito,” diin pa niya.

Natuwa rin si Dong na ang only movie niya for the year na The Unmarried Wife ay isang blockbuster.

“Thank you sa mga nanood dahil nagulat din kaming lahat. Matagal din namin bago natapos yung movie and it was all worth it.

“Baka may gawin pa ulit ako with Star Cinema for 2017.”

Mag-celebrate din ng kanilang second wedding anniversary sila Dong at Marian sa December 30 naman.

“Oo nga pala, two years na kami. Wala pa namang plano kaming nagagawa. Pero makakaisip din ako kahit madaliang plano,” pagtapos pa ni Dingdong Dantes. (RUEL J. MENDOZA)

comments