Home » News » News Roundup » Musician natagpuang patay

Musician natagpuang patay

Sinisiyasat ng police ang pagkamatay ng isang musician sa loob na kaniyang inuupahang kuwarto sa Malate, Manila, noong Christmas Eve.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng police, natagpuang wala nang buhay si Leonardo De Juan, 59, ng kaniyang roommate na si Chrisropher Brian Ayuco sa kanilang kuwarto sa second floor ng Bambina’s building sa Julio Nakpil Street.

Sinabi ni PO3 Aldeen Legaspi, may hawak ng kaso, na nakahiga sa kama si De Juan at walang namang pinsala sa katawan nang makitang patay.

Sinabi ni Ayuco na huli niyang nakitang buhay si De Juan noong Biyernes, bandang 1 p.m.. Noong sumunod na araw, dakong 6 a.m., nakita niyang matigas na ang katawan ng kaniyang roommate.

Agad na humingi ng tulong si Ayuco sa ibang tenants ng building at ipinabigay alam agad niya ito sa police.

Hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy na ginawa sa katawan ni De Juan para malaman kung ano ang dahilan ng kaniyang pagkamatay. (Analou De Vera)

comments