Home » News » News Roundup » Volunteers’ help, hiningi ng DSWD

Volunteers’ help, hiningi ng DSWD

Nanawagan kahapon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga volunteers na tutulong sa pag-repack ng relief goods para mga nasalanta ng bagyo.

Maaaring direktang makipag-coordinate DSWD staff at mobile number 0977-8109950 ang mga interesadong maging volunteers.

Nasa National Relief Operations warehouse na sa Pasay City ang police at military personnel para tumulong sa repacking ng relief goods.

Magmula pa noong Lunes, may 27,085 pamilya o 116,154 katao na ang apektado ng bagyo sa 395 barangays sa Regions 4A, 4B, Bicol Region, at Eastern Visayas.

Samantala, nasa 22,078 pamilya o 93,271 katao ang nananatili sa 367 evacuation centers habang 1,206 katao o 5,243 pamilya ang piniling makitira muna sa mga kamag-anak o kaibigan. (Ellalyn G. de Vera)

comments