Home » Sports » Hidilyn Diaz cheerleader na lang sa SEA Games

Hidilyn Diaz cheerleader na lang sa SEA Games

Magsisilbi munang cheerleader at inspirasyon ang 2016 Rio Olympics women’s weightlifting silver medalist na si Hidilyn Diaz sa kanyang tatlong kasamahan at maging sa mapipiling mga atleta na siyang bubuo sa pambansang delegasyon na sasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ito ang sinabi ni weightlifting head Monico Puentevella matapos malaman na hindi isinali ang lahat ng event para sa kababaihan sa sports na weightlifting sa isasagawa na kada dalawang taong torneo simula sa Agosto 19 hanggang 31, 2017. (Angie Oredo)

comments