Home » News » News Roundup » Lalaking nangmolestiya ng dalagita arestado

Lalaking nangmolestiya ng dalagita arestado

Inaresto ng mga awtoridad ang isang pedicab driver dahil umano sa pangmomolestiya sa isang 13-year-old high school student sa Pasay City noong Miyerkles.

Kinilala ng Pasay Police Women and Children Protection Desk (WCPD) ang naarestong suspect na si Emil Bongayal, 32, residente ng No. 12 Beneta St., Brgy 177, Zone 18, Malibay.

Siya rin umano ang lalaking nanggahasa sa nakatatandang kapatid na babae na biktima dalawang taon na ang nakakaraan, ayon sa report.

Dinakip si Bongayal ng mga pulis at barangay officials bandang 2 p.m. sa kanyang bahay matapos na magreklamao ang ina ng biktima, isang student sa Pasay City East High School.

Nangyari ang panghahalay sa dalagita matapos na imbitahan siya ng suspect sa kanyang bahay para bigyan ng regalo. (Martin A. Sadongdong)

comments