Umabot sa P1.34 billion monetary awards ang napakinabangan ng 19,843 na manggagawa sa pamamagitan ng Labor Dispute Resolution mechanisms ng Department of Labor and Employment (DoLE) noong 2016.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III, iniulat ni National Conciliation and Mediation Board (NCMB) Executive Director Shirley Pascual na noong Nobyembre 30, 2016, matagumpay na naresolba ng NCMB ang 5,872 kaso sa tulong ng ADR mechanisms para sa P1.340 bilyon na monetary awards sa 19,843 na manggagawa.
“Alternative dispute resolution (ADR) is an effective way to provide labor justice in a speedy and impartial approach,” wika ni Bello. Sa mga naresolbang kaso, 147 rito ay notices of strikes/lockouts; 361 ang preventive mediation cases; 298 ang voluntary arbitration; at 5,054 naman ang Single Entry Approach (SeNA).
Sa ulat ni Pascual, mula sa mga naresolbang kaso, 298 sa 550 na kaso ay hinawakan sa ilalim ng Voluntary Arbitration na may pinakamalaking monetary award na nasa R829.7 million para sa 302 na manggagawa.