Home » News » News Roundup » Building caretaker arestado dahil sa rape

Building caretaker arestado dahil sa rape

Inaresto ng pulis ang isang 26-taong gulang na lalaki dahil umano sa panggagahasa sa isang dalagita sa rooftop ng isang commercial building sa Pasay City noong Lunes ng hapon.

Kinilala ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD ng Pasay City Police ang suspek na si Junrey Cayanong, caretaker ng Vizcara Building na matatagpuan sa Barangay 11, Zone 14, Pasay.

Dinakip si Cayanong sa kaniyang bahay matapos na magreklamo ang kaniyang biktima na si Rose (hindi tunay na pangalan), 17.

Sinabi ni Rose sa police na naganap ang panggagahasa sa kanya sa rooftop ng Vizcara Building dakong 3:10 p.m., matapos na imbitahan siya ng lalaki na magpahangin sa lugar na iyon.

Ayon sa biktima, tinakot siya ng suspek na papatayin siya kung ire-report niya sa pulis ang insidente.

Agad siyang sinamahan ng ina sa police station para magreklamo matapos na malaman ang nangyari sa anak.

Nakakulong ngayon si Cayanong sa Pasay City Jail at nasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 833 o ang Anti-Rape Law. (Martin A. Sadongdong)

comments