Home » News » News Roundup » Mag-asawa binaril; babae patay

Mag-asawa binaril; babae patay

Sinisiyasat ng pulisya ang pamamaril sa bagong kasal na mag-asawa sa loob mismo ng kanilang bahay sa Tondo, Manila, kahapon ng madaling araw.

Patay na bago pa man maisugod sa pagamutan si Shailo Dula, 46, habang kasalukuyang namang nagpapagaling ang kaniyang asawang si Emil Dula, 48, sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Base sa initial investigation, natutulog ang mag-asawa bandang 3:50 a.m. sa loob ng kanilang bahay sa Gate 8 Area B, Parola Compound, nang bilang pumasok ang isang hindi kilalang lalaki at paulanan sila ng bala. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pag-atake sa mag-asawa. (Analou De Vera)

comments