Home » News » News Roundup » Binatilyo binaril sa ulo

Binatilyo binaril sa ulo

Patay ang isang binatilyo nang barilin sa ulo sa Baseco Compound, Port Area, Manila, kahapon ng hatinggabi.

Nakitang duguan ang hindi pa nakiklalang biktima matapos makarinig ang mga residente ng lugar ng sunod-sunod na putok ng baril dakong 12 a.m. kahapon.

Inilarawan ng police ang biktima na nasa edad 15 hanggang 20, kinulayan ng brown ang buhok, at nakasuot lamang ng green short pants. Nakayapak lamang ang biktima nang makita siya ng mga residiente na duguan at nakahandusay sa Dubai Street, Baseco Compound, Port Area.

Isinugod nila ang biktima sa ospital ngunit namatay din siya makalipas ang isang oras.

Nalaman kalaunan ng pulis na namatay ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at kanang braso. Patuloy pang sinisiyasat ng mga pulis ang insidente para makilala ang biktima at ang motibo ng pagpatay. (Betheena Kae Unite)

comments