Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Young actor, galit sa ama

Young actor, galit sa ama

Dingdong

Sobrang galit ni Diego Loyzaga sa ama niyang si Cesar Montano sa post messages niya sa social media. Mula raw nang ipanganak siya hanggang ngayon ay idininay siya bilang anak nito. Ni wala rin daw itong sustento kahit piso.

Pinalayas pa raw siya ni Cesar sa bahay na ibinigay na nito sa kanya.

‘Yung mga pangako raw nito sa kanya ay hindi natutupad. Ang ikinasasama pa ng loob ni Diego, binantaan siya ng ama na ipapadampot siya sa pulis dahil adik daw siya.

Ani Diego, limang beses siyang nagpa-drug test at negative ang resulta.

Any reaction, Cesar?

Balik-hosting

Balik-hosting si Dingdong Dantes sa bago niyang project, “Case Solved” na mapapanood simula sa February 18 after “Eat Bulaga” sa GMA.

Every Saturday ito na isang documentary-drama na tatalakay sa iba’t ibang sensational at controversial real-life cases na nabigyan na ng hustisya ang mga naging biktima at pamilya nito.

“I’m excited dahil kakaibang assignment ito. This is a very serious project. Mai-inform, mae-educate ang public at viewers. Marami silang matututunan,” saad ni Dingdong sa presscon.

Aniya, agad niyang tinanggap ang project dahil gusto niya ang concept. “It’s always good to have concrete stories as example. Also, it shows a positive ending wherein ipinapakita ‘yung resolution ng problema. ‘Yung combination of all these things inspires me. With this, gusto ko i-share ito sa mga manonood. I want them to see a story of triumph dahil gusto nating makakita ng problemang naaayos,” pahayag ng Kapuso Primetime King na isang advocate ng justice at peace.

Joke lang?

Joke man or whatever ang post ni Angel Locsin sa social media ng picture nila ni Bubbles Paraiso na tinawag niyang “wifey at alleged lover,” napapaisip ang netizens kung ano ba talaga ang relasyon nila? Madalas silang magkasama sa mga “ganap” nila tulad sa pagma-mountain climbing, swimming, etcetera.

Nagpagupit pa ng maikling buhok si Angel na sa tingin ng ibang tao’y nagmukha siyang lalaki. ‘Yung iba naman ay nagustuhan ang kanyang short hair at bumata ang itsura niya.

Nasira ang buhok ni Angel dahil sa ginawang hair treatment sa kanya, kaya nagpagupit siya ng buhok.

comments