Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Erich at Daniel: Walang forever!

Erich at Daniel: Walang forever!

erich gonzales copy

Bad break-up ang nangyari kina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. It’s over. Hindi sila friends, ayon sa isang interbyu kay Erich. Itinanggi niyang nag-uusap sila ni Daniel, kontra sa post ng huli sa social media.

No third party. Pero ayaw sabihin ni Erich kung may money involved sa hiwalayan nila ni Daniel. Umiwas siyang magbigay ng detalye na ani Erich, gusto na lang niyang mag-move-on.

Nagpaikli siya ng buhok, gaya ng ibang babaeng may pinagdaraanan. In-unfollow na niya sa social media si Daniel, pati ang pamilya nito.

Lesson learned sa naging relasyon nila ni Daniel, magtira para sa sarili, ani Erich. All mine to give kasi siya noong together pa sila ng Brazilian Japanese-model turned aktor-aktoran.

Feeling kasi ni Erich, forever na sila ni Daniel. Walang forever!

Bad break-up

Bad break-up din ang nangyari kina Janine Gutierrez at Elmo Magalona. Hindi rin sila friends. Hindi rin sila nag-uusap since they broke-up a year ago or so. Kinalimutan na niya si Elmo. Nakapag-move-on na siya, ani Janine sa isang interbyu.

Sobra rin niyang minahal si Elmo. Ani Janine, gano’n siya pag mahal niya ang isang tao, no reservations. Mahal kung mahal.

Mapapanood si Janine sa upcoming GMA project niya, “Legally Blind” kung saan isang rape victim at bulag na abogada ang role niya.

Posible

Sa himig ng pananalita ni Dingdong Dantes noong presscon ng “Case Solved,” mukhang papasukin na rin niya ang mundo ng pulitika pagdating ng tamang panahon.

Anang Kapuso Primetime King, hindi case closed ang posibilidad na pagpasok niya sa larangan ng pulitika. Aniya, hindi nagkakalayo ang entertainment business at ang public service.

Gaya ng programa niyang “Case Closed,” layunin nitong makatulong sa mga biktima ng iba’t ibang krimen. “Malaking hakbang ito sa pagpasok sa mas seryosong larangan at mas hard-core na line of public service,” ani Dingdong.

Mapapanood ito every Saturday simula sa February 18 after “Eat Bulaga.”

Players

Ang “Bubble Gang” mainstays na sina Valeen Montenegro, Chariz Solomon at Betong Sumaya ang celebrity players ngayong Linggo sa “People Vs. The Stars.” Hosted by Drew Arellano and Iya Villania, tutok lang sa GMA at 5 pm.

comments