Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Alden at Maine: May sorpresa

Alden at Maine: May sorpresa

Alden Richards & Maine Mendoza copy copy

Happy Valentine’s Day! Dahil Araw ng mga Puso ngayon, may special treat sina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang fans. Abangan sa “24 Oras” ang full trailer ng “Destined To Be Yours,” first teleserye nila sa GMA7 na malapit nang ipalabas.

For the past weeks, busy sina Alden at Maine sa taping na anila, pareho silang excited, kinakabahan dahil alam nilang may expectations ang kanilang fans.

Ani Maine, nakaka-pressure dahil first teleserye niya ito. Supportive naman sa kanya si Alden at parati itong nakaalalay sa mga ginagawa nilang eksena.

Bukod sa teleserye, may pelikulang gagawin sina Alden at Maine this year. Follow-up ito sa “Imagine You & Me” na ginawa nila last year.

Enjoy!

Bagong dagdag na mga karakter sa “Encantadia” sina Jake Vargas at Inah de Belen. Inah plays Deshna/Luna na anak nina Hagorn (John Arcilla) at Lila Sari (Diana Zubiri). Gilas naman ang karakter ni Jake.
May pagka-pilya at pasaway ang karakter ni Inah na aniya, sobrang happy siya na bahagi siya ng “Encantadia.” Dati’y pinapanood lang niya ito. Ngayon ay kabilang na siya sa mga gumaganap. Aniya, nag-e-enjoy siya sa mga aksiyun-aksiyunang mga eksena.
Mabait kaya si Deshna/Luna o kaaway ng mga ganap nang sang’gre na sina Lira (Mikee Quintos) at Mira (Kate Valdez)?
Si Glaiza de Castro bilang Pirena ang gumaganap na ina ni Kate na aniya, nakikita niya ang kanyang sarili rito. “Nakita ko ang growth niya as an actor. Proud ako sa kanya,” ani Glaiza.

User?

Wala namang sinabi si Erich Gonzalez na pera ang dahilan ng hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga. Pero todo-deny ang huli. Never daw nagging isyu ang pera. Kung anuman man meron siya ngayon, pinagtrabahuhan niya.
Ani Daniel, may respeto siya sa sarili at hindi siya nagdedepende sa ibang tao para kumita lamang.
May mga gustong magpayo kay Daniel na sana raw ay tumigil na siya sa pag-uungkat tungkol sa pera dahil wala naming kumpirmasyon mula kay Erich.
Ang dapat daw klaruhin ni Daniel ay ang tsikang diumano’y ginamit lang niya si Erich at pang-on camera GF lang ang turing niya rito. How true?

comments