Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Wala pa ring label kahit may ‘I Love you’ na

Wala pa ring label kahit may ‘I Love you’ na

LizQuen2 copy copy

Twenty five years na ang Star Magic talent management ng ABS-CBN at isang thanksgiving presscon ang ginanap kaugnay ng silver anniversary nito. Hosted by Jolina Magdangal and Gretchen Ho, dinaluhan ito ng karamihang stars napinasikat ng Star Magic.

Nag-perform ang Hashtag group, ang hottest love teams nina Liza Soberano at Enrique Gil, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Elmo Magalona at Janella Salvador, among others.

Nagguguwapuhan ang Star Magic leading men na sina Matteo Guidicelli, JC de Vera, Gerald Anderson, EJ Falcon, Jake Cuenca at Sam Milby.

Ipinakilala bilang ABS-CBN institutions sina Piolo Pascual, Angelica Panganiban, John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Jericho Rosales at Jodi Sta. Maria.

Kinanta nina Erik Santos, Yeng Constantino, Jona, KZ Tandingan, Nyoy Volante, SamMilby, Matteo Guidicelli ang theme song ng Star Magic’s 25th anniversary, “Ikaw Ang Magic ng Buhay Ko,” written by Young JV.

Ang grand 25th Star Magic anniversary ay gaganapin on May 21 sa Araneta Coliseum bilang bahagi ng “ASAP.” Over 350 ang Star Magic talents na kinabibilangan ng award-winning actors, world-class singers, champion performers, celebrated hosts, emulated beauty queens, innovative comedians, top of mind endorsers na damang-dama ang presence ng Star Magic sa lahat ng aspeto ng entertainment.

Wagas

Sa thanksgiving presscon ng Star Magic, halatang more than special friends ang namamagitan kina Liza Soberano at Enrique Gil, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Wagas na wagas kung makayakap si Enrique sa beywang ni Liza habang kumakanta sila. ‘Yung mga body contact nila, halatang komportable na sila sa isa’t isa.

Gayun din sina Daniel at Kathryn. After ng kanilang performance, holding hands silang lumabas ng venue. Gano’n din sina Liza at Enrique.

Kahit sinasabi nilang walang label ang namamagitang relasyon between them, action speaks louder than words.

Sa guesting nina Liza at Enrique sa “Gandang Gabi Vice,” inamin nilang nagsasabihan sila ng “I love you.” Nang tanungin ni Vice Ganda si Liza kung in love ba siya kay Enrique, tumango ang dalaga. Tumango rin si Liza nang tanungin siya ni Enrique ng “Mahal mo ba ako?” So, ano pa bang label ‘yun? “Sila” na nga! ‘Yun na ‘yun!

comments