Mga indie films na produkto ng iba’t ibang local film festivals sa Pilipinas noong 2016 ang mga napiling manalo sa YCC or Young Critics Circle.
Chosen as Best Film ng YCC ay ang “Women of the Weeping River” na mula sa direksyon ni Sheron Dayoc which is about a Tausug family caught in a bitter war with a rival clan.
Unang pinalabas ang indie film na ito sa QCinema Film Festival.
Ang mga tinalo ng “Women of the Weeping River” ay ang mga pelikulang “Baboy Halas,” “Ma’Rosa,” “Malinak Ya Labi” at “Mrs.”
Para sa Best Performance, ang nagwagi ay si Laila Putli P. Ulao ng “Women of the Weeping River.”
Ang mga nakalaban ni Laila sa kategoryang ito ay sina Nora Aunor (“Tuos”), Ai-Ai delas Alas (“Area”), Barbie Forteza (“Tuos”), Luz Fernandez (“Malinak Ya Labi”), Jaclyn Jose (“Ma’Rosa”), Jaclyn Jose (“Patay Na Si Hesus”), Elizabeth Oropesa (“Mrs.”), Daria Ramires (“Mrs.”).
Napanalunan din ng “Women of the Weeping River” ang Best Editing para kay Carlo Francisco Manatad.
Ang Best Screenplay naman ay napunta kay Ralston Jover para sa “Mrs.” na unang pinalabas sa Sinag Maynila.
Ang pelikulang “Baboy Halas” na galing ng QCinema ang nakakuha ng award for Best Cinematography and Visual Design para kina Raphael Meting, Mark Limbaga a Joel Geolamen.
Ang award for Best Sound and Aural Orchestration ay napunta sa pelikulang “Ang Tulay Ng San Sebastian” for Hiroko Nagai at Jess Carlos.
Una itong pinalabas sa CineFilipino.
Dalawang pelikula naman ang nanalo sa Best First Feature Award. Ito ay ang “Malinak Ya Labi” ni Jose Abdel Langit at “2 Cool 2 Be 4gotten” ni Petersen Vargas.
Kapwa produkto ng Cinema One Originals ang dalawang pelikulang ito.
Sa last week of April magaganap ang awarding ceremony ng Young Critics Circle na pinamunuan ni Jema Pamintuan at ang mga nag-deliberate ay sina Aristotle Atienza, Emerald Flaviano, J. Pilapil Jacobo, Skilty Labastilla, Noy Lauzon, and Jaime Oscar Salazar. (Ruel J. Mendoza)