Home » Entertainment » Lauren Young is now comfortable working with Janine Gutierrez

Lauren Young is now comfortable working with Janine Gutierrez

Kumportable na raw si Lauren Young na makatrabaho si Janine Gutierrez matapos nilang mapag-usapan ang tungkol sa kanilang nakaraan bilang pareho silang naging ex-girlfriends ni Elmo Magalona. Unang naging girlfriend ni Elmo si Lauren bagama’t never silang naging open sa relationship nila noon. Nang maghiwalay sila ay sumunod namang naging girlfriend ng aktor si Janine, na inamin naman nilang pareho. Ilang buwan makaraang lumipat si Elmo sa ABS-CBN ay nabalita na lang na naghiwalay na sila ni Janine.

Naganap ang pag-uusap nina Lauren at Janine sa familiarity workshop ng pinagbibidahan nilang “Legally Blind,” ang bagong afternoon teleserye ng GMA-7, na magsisimulang umere sa February 20. Gumaganap sina Lauren at Janine sa serye bilang magkapatid na sina Charie at Grace Evangelista, respectively.

“There’s a certain exercise where you say things that you feel and are uncomfortable with. I guess for the both of us that was the one thing we are very uncomfortable with. It was talked about, it was addressed, and resolved. Now we work perfectly fine together,” sabi ni Lauren.

Inamin din ni Lauren na si Janine ang nag-first move kaya nakapag-usap sila at na-appreciate daw niya ang ginawa ng co-star. “She was the one who broke the ice, not me. I appreciate that. To make everyone’s lives easier and so they don’t tiptoe around us, ‘Oh my gosh, issue, Elmo, whatever.’ Tapusin na, let’s talk about it. We’re fine.”

Paglilinaw pa ni Lauren, wala naman daw siyang sama ng loob kay Janine. Feeling awkward lang daw sila dahil sa kanilang nakaraang situwasyon. Matagal na raw naka-move on si Lauren. Masaya na siya ngayon, sa katunayan may non-showbiz boyfriend na siya at three years na sila.

Bagama’t nakapag-usap na, hindi raw masasabi ni Lauren na close na sila ngayon ni Janine. “We’ve been working together for a month. I don’t wanna be showbiz na, ‘We’re best friends. Super close kami.’ Hindi ako ganun, hindi ako plastic. I’m not gonna lie. We’re not friends. I treat that word very strongly kasi. I think it’s the early stages, but we’re okay. And if it just so happens, through the time that we spend time together, we become friends, then okay. But right now, may isang bagay na kami na natapos. Let’s see where it goes from there.”

comments