Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Anne at Erwan: Ikakasal sa December

Anne at Erwan: Ikakasal sa December

anne and erwan copy

Before Christmas this year ang kasal nina Anne Curtis at Erwan Heussaff, ayon sa ulat sa “TV Patrol.” Sa ibang bansa sila magpapakasal at pinag-iisipan pa nila kung saan. Tulad ng mga kaibigan niyang “It Girls” na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza na sa ibang bansa ikinasal, hindi nagpakabog si Anne.

Take note, kung foreigners ang mga napangasawa ng tatlo, may dugong banyaga rin si Erwan. Pinag-usapan kaya ng “It Girls” na sa ibang bansa sila magpapakasal at mga foreigner ang gusto nilang mapangasawa? O, nagkataon lang?

Nag-usap na

Mabuti naman at bago pa magpasabog si Erich Gonzales tungkol sa hiwalayan nila ni Daniel Matsunaga ay pinag-usap sila ng Star Magic management para ayusin ang mga isyu sa kanila.

Pareho silang Star Magic talents, kaya bago pa sila magkasakitan to-the-max sa palitan nila ng mga salita, umaksiyon na ang management.

Sa official statement ng Star Magic, walang third party at walang kinalaman ang pera sa kanilang hiwalayan. Nakiusap ang ex-couple na huwag idamay ang kanilang pamilya sa isyu.

Magkasama pang umalis sina Erich at Daniel para sa isang US concert sa Cache Creek Resort & Casino sa Brooks, California.

Na-trauma

Most challenging role ever kay Janine Gutierrez bilang isang rape victim at bulag na lawyer sa “Legally Blind.”

Tomorrow na ang simula nito pagkatapos ng “Ika-6 Na Utos” sa GMA Afternoon Prime.

Bukas na ipapakita ang rape scene ni Janine na aniya, tipong na-trauma siya. Feeling niya, parang totoong na-rape siya sa hirap na pinagdaanan niya sa “rapist” niyang si Marc Abaya.

Sa simula ng kuwentong “Legally Blind,” nakapasa si Grace (Janine) sa bar exams at kabilang siya sa Top 10. Puno siya ng pangarap na maipagtatanggol na niya ang ama niyang (Ricky Davao) nakulong sa salang hindi naman nito ginawa.

Hindi inasahan ni Grace ang isang traumatic experience.

Ideal couple

Ideal showbiz couple sina Drew Arellano at Iya Villania. Since mag-BF-GF pa lang sila, never naintriga ang kanilang relasyon hanggang ikinasal sila at nagkaroon ng Baby Primo.

Career-wise, doing good ang mag-asawa. Magkasama sila bilang hosts ng “People Vs. The Stars.” Celebrity players this Sunday ang “Wowowin” hosts na sina Ariella Arida, Donita Nose at Tekla.

comments