Home » Headlines » Fetus sa toilet bowl

Fetus sa toilet bowl

Isang fetus ang natagpuang lumulutang sa toilet bowl ng isang fastfood chain sa Sta. Cruz, Manila, noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni Joey Hibalvos, service crew ng McDonald’s sa Tayuman, Rizal Avenue, na nadiskubre niya ang fetus dakong 6:40 p.m. nang lilinisin na niya ang comfort room sa ground floor.

Kaagad na ipinagbigay alam ni Hibalvos ang kaniyang nakita sa kaniyang manager na siya naman nagreport ng insidente sa Alvarez Police Community Precinct.

Nakuha ng police ang close circuit television (cctv) footage mula sa establishment na nagpapakitang isang babaeng nasa 20s, may taas na 5’5” at nakasuot ng uniform para sa saleslady ng isang kilalang shopping mall ang pumasok sa restroom dakong 6:38 p.m.

Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ang babae sa comfort room at may bahid ng dugo sa mga binti. Dali-dali siyang lumabas ng establishment.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng police para makilala ang babae. (Analou de Vera)

comments