Home » Entertainment » Kris Bernal still a Kapuso

Kris Bernal still a Kapuso

Nag-renew ng kanyang exclusive contract sa GMA-7 ang aktres na si Kris Bernal noong nakaraang March 7.

Matatawag na isang home-grown talent si Kris ng Kapuso Network dahil produkto siya ng reality artista-search na “Star Struck 4” kunsaan napanalunan niya ang title na Ultimate Loveteam kasama si Mart Escudero.

Mga naging ka-batch ni Kris ay sina Aljur Abrenica (Ultimate Hunk), Jewel Mische (Ultimate Sweetheart), Prince Stefan, Rich Asuncion, Paulo Avelino, Chariz Solomon, Stef Prescott at Jan Manual.

Sa sampung taon na naging Kapuso si Kris, nabigyan siya ng mga magagandang roles sa mga teleserye tulad ng “Dapat Ka Bang Mahalin”, “All My Life”, “The Last Prince”, “Hiram Na Puso”, “Koreana”, “Time of My Life”, “Prinsesa Ng Buhay Ko”, “Hiram Na Alaala” at “Little Nanay.”

This year ay pagbibidahan ni Kris ang remake ng 2007 GMA original teleserye na “Impostora” kunsaan dual role ang kanyang ginagampanan.

Sa kanyang contract renewal, present ang mga GMA executives na sina GMA Films President Annette M. Gozon, GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, GMA Artist Center Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, and GMAAC Talent Manager Tracy Garcia.

“’Eto yung gusto ng puso ko, kung saan ako kumportable, where I feel complete, where I’m satisfied and contented. I’m very thankful na nandito pa rin ako at binigyan ulit ako ng chance.

“Masaya ako dahil ang ganda-ganda ng project na binigay nila sa akin, yung “Impostora.”

“Dito talaga ako mahahasa at mag-go-grow. Ito na siguro ‘yung pinaka-challenging character para sa akin.

“Sobrang hirap din nung sa Little Nanay, pero at least dun, isa lang ang role ko. Eto kasi sa Impostora, pabago-bago ako, hindi lang sa acting, sa pananamit din, may prosthetics pa ako and iba’t-ibang makeup at look,” pagtapos pa ni Kris Bernal. (Ruel J. Mendoza)

comments