Home » Entertainment » Luis Manzano, super generous

Luis Manzano, super generous

11luismanzano copy copy

Super generous talaga si Luis Manzano. Hindi lang once, twice, or thrice siyang nag-share ng kanyang blessings sa mga ordinaryong contestants sa game show niya, “Minute to Win It.” Pinahanga na naman kami ni Luis nang pangakuan niya na bibigyan niya ng P50,000 ang mag-asawang Jaime at Yolanda.

Gasera lang kasi ang ilaw ng mga ito sa bahay dahil wala silang kuryente. P15,000 to P20,000 ang kailangan para makabitan sila na hindi nila kaya, ayon kay Aling Yolanda. Driver si Mang Jaime, nagta-trapik naman si Aling Yolanda.

May mga anak at apo pa silang sinusuportahan.

Kapuri-puri rin sina Erik Santos at Yeng Constantino na nakalaban nina Mang Jaime at Aling Yolanda para sa P1-million challenge. Ibinigay nila sa mag-asawa ang napanalunan nilang P70,000.

Anila, gusto lang nilang mag-enjoy sa MTWI, kaya sumali sila.

Di nagpakabog

Talagang hindi nagpakabog si Anne Curtis sa mga kaibigan niyang “It Girls” na sina Solenn Heussaff, Georgina Wilson at Isabelle Daza na sa abroad nagpakasal. May tsikang sa abroad din sila magpapakasal ng fiance’ niyang si Erwan Heussaff.

This year ang kanilang wedding. Hindi pa lang sinabi ni Anne ang exact date at kung saang bansa. Aniya sa isang interbyu, magpa-plano pa lang sila this coming Easter Holidays.

How true, kanya-kanyang gastos ang mga invited sa kasal nina Anne at Erwan? Paano ‘yung mga walang budget o ayaw gumastos? “Nganga” na lang. Bukod sa air fare, gagastos pa sa hotel accommodations.

Bongga

Bongga ang brand new car na binili ni Janine Gutierrez. Dodge Durango ito na may kamahalan at mas malaki kesa sa unang sasakyan niyang Hyundai Elantra.

Marami kasing gamit na dala-dala si Janine kapag nagte-taping siya, kaya bumili siya ng malaking sasakyan.

Komportable pa siya dahil maluwang ang space.

Deserved naman ‘yun ng star ng “Legally Blind” dahil nagpapagod at nagpupuyat siya sa pagtatrabaho. Nakapagpundar na si Janine ng isang condominium unit somewhere sa San Juan, Greenhills kung saan solo siyang namumuhay.

Thankful nga pala si Janine sa mga sumusubaybay sa “Legally Blind” at sa mataas na rating nito. Lalo raw siyang nai-inspire pagbutihin ang pagganap sa kanyang role bilang Grace.

comments