Home » Headlines » Marine chef binaril ng NBI agent

Marine chef binaril ng NBI agent

Nasa kritikal na kalagayan ang isang 39-year-old marine chef na binaril umano ng isang National Bureau of Investigation agent sa loob ng jeepney noong Biyernes sa Plaza Lacson sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Mar Joel Garbris ng Severino St., Sta. Cruz, at ang suspect na si Special Investigator Ismael Ballano na nasa custody na ng NBI Criminal Investigation Division.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala ang biktima sa katawan at dinala sa Manila Doctors Hospital sa United Nations Ave., Manila.

Batay sa salaysay ng vendor na si Emily Fernandez, 50, nakarinig siya ng kaguluhan sa loob ng jeepney na sinakyan ng dalawa.

Bumaba ang biktima at sumunod ang suspect. Bumunot ng baril ang suspect at pinaputukan ang biktima. Dinala ni Ballano ang biktima sa ospital at agad na sumuko sa kaniyang supervisor. (Jaimie Rose A. Aberia)

comments