Home » Entertainment » Yassi Pressman, Pinagseselosan ni Julia?

Yassi Pressman, Pinagseselosan ni Julia?

14julia instagram copy

Nakiisa sa celebration ng International Women’s Day sina Glaiza de Castro, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. Bilang mga sang’greng “Encantadia,” nagpahayag sila ng “Babae Power” sa social media. Nag-post sila ng kanilang retrato at ibinahagi nila ang kahalagahan ng pagiging babae. Binati nila ang lahat ng kababaihang ipinagdiriwang ang araw na ‘yun.

Ang mga karakter na ginagampanan nila sa “Encantadia” ay nagpapakita ng kakayahan at talino ng isang babae. Sa kabila ng kanilang mga problema sa buhay ay nabibigyan nila ng solusyon, kahit nasasakripisyo ang personal nilang hangarin.

Avisala sang’gre Pirena, Alena at Hara Danaya!

Akma

Nagpasalamat si Janine Gutierrez sa lahat ng bumati at bumoto sa kanya bilang Favorite Pinoy Star ng Nickelodeon Kids Choice Awards 2017. Co-nominees niya sina Liza Soberano, Janella Salvador at Nadine Lustre.

Dahil bahagi si Janineng annual international awards show, isang nakakatuwang slime challenge ang ginawang “Legally Blind” star. Mapapanood ito ngayong Lunes, March 13.

Samantala, puring-puring “Legally Blind” viewers ang acting ni Janine. Kita raw ang sincerity ng Kapuso actress sa kanyang pagganap bilang Grace, isang rape victim na nabulag pa.

Matatag pa rin siya bilang isang babaeng palaban para makamtan ang hustisya. Akmang-akma ang role ni Janine dahil kamakailan ay ipinagdiwang ang International Women’s Day.

Special

Kung dati’y best friend ang label ni Julia Montes kay Coco Martin, special na ito sa kanya ngayon, aniya sa interybu ng ABS-CBN. Hindi pa rin diretsang maamin ni Julia ang totoong namamagitan sa kanilang relasyon, kahit pa ibinuko ni Vice Ganda sa isang episode ng “Gandang Gabi Vice” na si Coco ang nagpapasaya kay Julia.

Sa interbyu pa rin ng ABS-CBN kay Julia, nagpahayag siya na gusto niyang mag-guest sa “Ang Probinsiyano.” Hindi raw siya nagseselos kay Yassi Pressman, kahit may mga nagsasabing bagay ito at si Coco. Natutuwa pa nga siya, ani Julia.

Mukhang secure talaga si Julia at alam niya kung saan siya nakalugar sa puso ni Coco. Tama ba kami?

Celebrity players

Sina Joross Gamboa, Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang celebrity players ngayong Linggo sa “People Vs. The Stars.”

Hosted by Drew Arellano and Iya Villania, abangan sa GMA at 5 pm.

comments