Home » News » News Roundup » Forklift operator patay sa pamamaril

Forklift operator patay sa pamamaril

Patay ang isang 29-taong gulang na forklift operator nang pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki sa lugar na kaniyang pinagtatrabahuhan sa Sta. Cruz, Manila, noong Sabado ng umaga.

Minamaneho ni Romeo Bustamante ang forklift nang siya’y barilin ng dalawang salarin.

Ayon kay SPO1 Bernardo Cayabyab, case investigator ng Manila Police District homicide section, naganap ang insidente dakong 8:30 p.m. sa harap ng Premiero Auto Supply sa Severino Reyes Street, kung saan nagtatrabaho si Bustamante.

Dead on the spot ang biktima dahil sa tatlong tama ng bala sa ulo. Mabilis na tumakas ang dalawang gunmen matapos ang pamamaril.

Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang dalawang basyo ng bala mula sa 9mm at .45 pistols.

Walang makuhang impormasyon ang police sa mga bystanders sa lugar ng krimen dahil nagsipagtago sila nang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Sanctuary Funeral Homes.

Sinabi ni Cayabyab na naghahanap sila ng witnesses sa insidente para mapabilis ang imbestigasyon sa kaso.
(Analou De Vera)

comments