Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Right-of-Way, pinakukumpleto

Right-of-Way, pinakukumpleto

MALOLOS (PIA) – Pinamamadali na ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang pagkukumpleto na mailatag ang mga nawawalang road right-of-way para sa proyektong NLEX-North Harbor Link.

Sa ginawang inspeksyon ni DPWH Secretary Mark Villar sa kasagsagan ng konstruksyon, sinabi nitong bubuo siya ng Task Force para mapabilis ang pagkuha ng mga nawawala pang mga right-of-way.

May 700 metro na lilinisin sa may Karuhatan, Valenzuela at pinabibilang ng kagawaran kung ilang pamilya ang dapat maialis at mailipat agad-agad.

Ang proyektong NLEX-North Harbor Link ay isang elevated expressway, na katumbas ng lima hanggang anim na palapag na gusali, na magsisimula sa North Luzon Expressway sa may Mindanao Avenue Interchange sa bandang Karuhatan, Valenzuela patungo sa Manila North Harbor sa lungsod ng Maynila.

comments