Home » News » News Roundup » BF ni misis, sinaksak ni mister

BF ni misis, sinaksak ni mister

Dahil sa selos, sinaksak ng isang construction worker ang umano’y kalaguyo ng kaniyang live-in partner sa Pasay City noong Linggo.

Sumuko sa police si Alvin Garcia, 36, ng 8th St., Brgy. Santo Niño, Parañaque City, matapos niyang saksakin ng 13-inch long knife si Jayson Ortiz, 25, helper, ng Saging St., Evacom, Parañaque.

Isinugod si Ortiz sa San Juan De Dios Hospital kung saan patuloy siyang inoobserbahan dahil sa dalawang saksak sa tiyan.

Ayon sa police report, nakumpirma ni Garcia ang pakikipagmabutihan ng kanyang live-in partner na si Myra sa biktima nang makita niya ang dalawa na naghalikan at naglakad ng magkahawak kamay sa Altarap Street, Pasay City, dakong 4:30 a.m., Linggo.

Napag-alaman na tatlong taon nang nagsasama bilang mag-asawa sina Garcia at Myra at mayroon na silang apat na anak. Sinampahan ng kasong frustrated murder si Garcia na ngayo’y nakakulong sa Pasay City Police Station.
(Martin A. Sadongdong)

comments