Home » News » News Roundup » Lolo nasagasaan, patay

Lolo nasagasaan, patay

Patay ang isang 79-taong gulang na lalaki nang masagasaan ng isang sasakyan habang tumatawid ng kalye sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Nasawi ang biktimang si Delfin Acaba habang ginagamot sa Las Piñas Doctors Hospital. Ayon sa Las Piñas City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong 5:30 a.m. sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road, Barangay Almanza, Las Piñas City.

Sinabi ng testigong si Danilo Barcala na tumatawid ng kalye ang biktima nang masagasaan ng isang kotse. Mabilis na tumakas ang driver ng kotse at walang nakakita ng license plate ng sasakyan.

Isinugod ng Las Piñas Rescue Team sa ospital ang biktima kung saan siya binawian ng buhay. Pinag-aaralan ngayon ng police ang CCTV sa lugar ng aksidente para malaman ang pangalan ng driver ng kotse. (Jean Fernando)

comments