Home » News » News Roundup » Fake policewoman huli sa extortion

Fake policewoman huli sa extortion

Inaresto ng police ang isang pekeng policewoman matapos umanong mag-extort ng pera sa mga kagawad ng Philippine Navy sa loob mismo ng kampo sa Fort Bonifacio, Taguig City, noong Lunes.

Kinilala ni Chief Inspector Christian Laygo, head ng Taguig police investigation unit, ang suspect na si Sait Olaguera, na nagpakilala bilang Chief Inspector Sait Olaguera ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Laygo, nakasuot pa si Olaguera ng police athletic uniform nang siya’y arestuhin dakong 12:30 p.m. dahil sa panghihingi ng pera sa tatlong Navy personnel.

Modus operandi ng suspect na kaibiganin muna ang Navy personnel at saka niya uutangan ng pera. Kapag nakautang na, bigla na siyang mawawala at hindi na siya masingil ng kaniyang mga nabiktima.

Sinabi ni Laygo na sinurender ni Olaguera ang fake PNP ID na kaniyang ginagamit para makapasok ng Navy camp.

Itinanggi ni Olaguera ang paratang sa kaniya dahil babayaran din naman niya ang kaniyang inutangan sa tamang oras.

Sinabi pa niya na isa ring dating pulis ang kaniyang asawa. (Martin A. Sadongdong)

comments