Home » Entertainment » Karla rewards tnt champ Noven with check

Karla rewards tnt champ Noven with check

15karla estrada instagram copy copy

Umiral na naman ang pagiging generous ni Karla Estrada. Binigyan niya ng tseke ang “Tawag ng Tang-halan” sa “It’s Showtime” grand champion na si Noven Belleza nang mag-guest ito sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay”, kung saan isa sa mga host si Karla kasama sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.

Ibinuko ito ni Pokwang, na guest din sa “Magandang Buhay” ng araw na iyon. “Alam niyo ba si Momshie Karla, kanina may nakita ako sa likod. May nasaksihan ako sa kanyang kabutihang loob. Nag-abot siya ng tseke pambili daw ng damit,” sabay turo ni Pokwang kay Karla.

Ipinaliwanag naman ni Karla, na isa rin sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan”, kung bakit niya tinutulungan si Noven.

“Isu-support natin kasi champion ng bayan iyan. Nasubaybayan ko kasi si Noven hanggang makarating siya diyan sa kanyang tagumpay,” ani Karla.

Muntik na ring isiwalat ni Pokwang kung magkano ang nakalagay sa tseke, pero pinigilan siya ni Karla. “Marami-raming damit ang mabibili niya,” sabi na lang ni Pokwang.

Samantala, nang ini-interview na nina Karla si Noven, biniro ng TV host ang TNT champ, “Naku, ano ka ba? Halika na umuwi na tayo. Kailangan nating mag-shopping. Bibili tayo ng damit. Baka ipatawag ka na ng Air Supply.”

Nasambit ito ni Karla matapos hingan ng reaksyon si Noven sa pagbati sa kanya sa e-mail ni Graham Russell ng Air Supply.

Ayon kasi kay Graham sa e-mail na ipinadala nito kay Danee Samonte, producer ng Air Supply Concert in Manila, “Hi Danee, I just saw the singing contest on YouTube and the guy that won. He was spectacular. Please pass on my congratulations to him if you would!”

Reaksyon ni Noven dito, “Kinakabahan, sobrang pressure, kasi baka… basta hindi ko po ma-explain, sobrang saya ko.

Sobrang thankful ko po.” (Glen P. Sibonga)

comments