Home » Entertainment » Magkapatid, may tampuhan?

Magkapatid, may tampuhan?

drew-arellano-copy-copy

Nagkasama sa breakfast event ng isang fast food chain sina Maine Mendoza at Drew Arellano. Nag-serve sila ng breakfast. First time nakita ni Maine in person si Drew at naguwapuhan siya sa TV host.

Nag-post si Maine sa social media ng picture niya kasama si Drew na ang caption niya, “Hala, ang gwapo niya.”

Mukhang attracted si Maine sa older men. Noong nag-guest si Kier Legaspi sa birthday celebration niya sa “Eat Bulaga,” sinabihan niyang crush niya ito noong araw.

Month-long birthday celebration pa rin ni Maine. Sa birthday dinner ng CDO Funtastyk Young Pork Tocino na siya ang endorser, nakasama niya ang mga napiling fans niya mula Luzon, Visayas at Mindanao. Ginanap ang event sa Lemuria Restaurant kung saan pinatikim ang mga ito ng iba’ti bang menu na sangkap ang CDO Funtastyk Tocino.

Ang mga naka-dinner ni Maine ay ang mga nanalong fans niya na sumali sa pa-contest sa Maine’s Funtastyk Dares sa Facebook. Hindi lang pinagsaluhan nila ang masarap na top-selling tocino, nakipagkuwentuhan, nakipag-selfie at group picture si Maine sa kanila.

Aniya, isa ‘yun sa pinakamemorable celebrations ng kanyang 22nd birthday. Thankful siya sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Tampuhan

Hindi na naman nagkita ang magkapatid na Susan Roces at Rosemarie Sonora. Yearly ay nagbabakasyon sa Pilipinas si Rosemarie para dalawin ang mga anak (Wowie at Sheryl Cruz) at apo niya.

Kamakailan ay dumating si Rosemarie, pero hanggang nakabalik siya sa US, hindi sila nagkita ni Susan. Nagpasabi raw si Rosemarie na gusto niyang magkita sila. Ang balik-pasabi raw ni Susan, alagaan na lang ni Rosemarie ang kanyang mga anak at apo.

Matatandaang noong May 2016 elections ay may mga kontrobersyal na pahayag si Sheryl sa anak ni Susan na si Senator Grace Poe noong kumandidato ito bilang presidente. Diumano pa, may pasabog ang mag-inang Rosemarie at Sheryl. Wala naman pala.

Sorpresa

Nasorpresa ang “Encantadia” cast sa pagbisita ni Mayor Herbert Bautista sa taping nila. Nagdala pa ito ng Japanese food. Nangumusta at nakipag-kuwentuhan sa kanila ang butihing mayor ng QC.

Samantala, paigting nang paigting ang mga kaganapan sa “Encantadia.” Tutok lang gabi-gabi .

comments