Home » Entertainment » Aktor, bulag-bulagan sa ex-GF

Aktor, bulag-bulagan sa ex-GF

kyliepadilla copy copy

Kasama ng “Encantadia” cast si Kylie Padilla nanood ng premiere night ng “Beauty and the Beast” pati si direk Mark Reyes. Tuwang-tuwa sila na muli nilang nakita si Kylie. Yakapan, beso-beso sila at hinawakan pa ang tiyan ni Kylie na five months pregnant sa baby nila ni Aljur Abrenica.

Nag-post pa si Kylie sa social media ng kanyang baby bump. Aprub kay Kylie si Arra San Agustin na pumalit sa karakter niya bilang Amihan sa “Encantadia.” Pinanonood nga niya ang GMA fantaserye at kilig-kiligan siya kina Arra at Ruru Madrid (as Ybrahim).

Aprub din kay Mikee Quintos (as Lira) si Arra. Aniya, nakikita niyang ginagawa talaga ni Arra ang best, lalo na sa fight scenes nito. In between takes, inaaral nito ang script sa stand-by area. “Ako ang nag-welcome sa kanya sa set.

Inikot ko siya, ikinuwento ko sa kanya ang iba’t ibang karakter,” ani Mikee.

Nasa Davao ngayon ang “Encantadia” stars na sina Ruru Madrid, Sanya Lopez at Glaiza de Castro. May mall show sila sa SM Davao kaugnay ng pagdiriwang ng 80th Araw ng Dabaw.

Nangungulila

Dumating na si Albert Martinez mula sa United States. Matagal-tagal din siyang nagbakasyon doon kung saan ikinasal ang isa niyang anak na babae. December last year pa nagpunta si Albert sa US.

Second death anniversary ng wife niyang si Liezel noong March 14. Masakit pa rin kay Albert ang pagkawala nito, kaya gusto niyang magpaka-busy sa trabaho. Kahit paano’y maiibsan ang kanyang lungkot at pangungulila kay Liezel.

Nagsabi na ang aktor sa manager niyang si Shirley Kuan na handa na siyang magtrabaho muli. Huling napanood si Albert sa “Ang Probinsiyano” sa ABS-CBN.

Pipi at bulag

Kapag galit na galit pala si Janine Gutierrez ay dinadaan niya sa pananahimik. Hindi siya nagsasalita at parang napipipi siya, ayon sa star ng “Legally Blind.”

Kung magsasalita nga naman siya, baka kung ano’ng hindi maganda ang masabi niya, makakasakit lang siya ng damdamin na baka pagsisihan niya. ‘Yun ang iniiwasan ni Janine.

Sabi naman ni Mikael Daez na leading man niya sa “Legally Blind”, nagbubulag-bulagan siya kapag nakikita niya ang kanyang ex-girlfriend. Sino kaya ‘yun?

comments