Home » News » News Roundup » Lalaki nakaligtas sa suicide attempt

Lalaki nakaligtas sa suicide attempt

Isang 32-taong gulang na lalaki ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng chemical na panglinis ng metal matapos makipag talo sa kaniyang ina sa Tondo, Manila, noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng police ang biktima na si Leandro Leander Isidro, residente ng Bagong Lipunan Condominium 2, Building D-4, Rawis, Tondo.

Under observation si Isidro sa Metropolitan Memorial Medical Center kung saan siya isinugod ng kaniyang ina na si Corazon na nakakita sa kaniya na nakabulagta sa sahig at bumubula ang bibig sa kaniyang kuwarto dakong 5:15 p.m. noong Miyerkules.

Bago naganap ang insidente, sinabi ni Corazon na nagkasagutan sila ng kaniyang anak dahil sa problemang pampamilya. (Analou De Vera)

comments