Home » Entertainment » Maymay’s mom approves of Edward

Maymay’s mom approves of Edward

Ibinuko ang Pinoy Big Brother Lucky 7 Big Winner na si Maymay Entrata ng kanyang Mommy Lorna tungkol sa gusto niyang maging boyfriend.

“May sinabi siya sa akin minsan noong hindi pa siya pumasok sa PBB. Gusto niyang magka-boyfriend ng foreigner,” rebelasyon ni Mommy Lorna nang mag-guest sila ni Maymay sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay.”

Nabigla naman si Maymay sa sinabi ng ina kaya kaagad siyang nagpaliwanag sa “Magandang Buhay” hosts na sina Melai Cantiveros, Karla Estrada, at Jolina Magdangal. “Saglit lang, explain ko sa iyo ha. Noong second year high school mahilig po talaga ako sa tisoy. Parang biruan namin na, ‘Ma, gusto ko talaga tisoy, foreigner, tapos yung ilong nila, di ba?’ Kasi nga nakaka-amaze. Kagaya ni Enrique Gil (ultimate crush niya), parang ganun ba?”

Nagkataon namang ang ka-loveteam ni Maymay na si Edward Barber, ang 4th Lucky Big Placer, ay may dugong banyaga dahil Filipino-British ito mula sa Germany. Idagdag pa na tinatawag din si Edward bilang ka-look-alike ni Enrique.

Natanong tuloy si Mommy Lorna kung boto ba siya kay Edward para kay Maymay? “Guwapo, siyempre. Sino ba naman ang hihindi? Pero nasa kanya (Maymay) naman iyon. Sasabihin niya rin sa akin iyan,” ani Mommy Lorna.

Mabilis namang sinalo ni Maymay ang ina. “Nung lumabas po ako (sa PBB), sabi niya, ‘O ano iyan may loveteam-loveteam ka na? Ano bang meron diyan?’ Hindi Ma, kaibigan lang kami. Nag-istorya-istorya kami, sabi ko matalik kong kaibigan.”

Guest din si Edward sa “Magandang Buhay” ng araw na iyon. Siya naman ang na-hot seat kaugnay ng naging pag-amin niya na may feelings siya para kay Maymay sa ginawang lie detector sa loob ng PBB house.

Totoo ba talaga ito? “Yes, of course,” sagot agad ni Edward. (GLEN P. SIBONGA)

comments