Home » Entertainment » Marian Rivera, selosa pa rin

Marian Rivera, selosa pa rin

18Marian Rivera 16 copy copy

‘Buti na lang, hindi na lumaki ang diumano’y “isnaban” incident nina Marian Rivera at Andrea Torres noong nagkita sila sa “Sunday Pinasaya.”

Nagpalitan sila ng messages sa social media. Umorder si Andrea ng flowers sa flower shop ni Marian at sinabihan pang mag-enjoy ito sa bakasyon nito.

Tinanong naman siya ni Marian kung ano’g gusto niyang pasalubong para hindi na ito mahirapang mag-isip. Kasamang nagbakasyon ni Marian sa Japan si Dingdong Dantes with their baby Zia.

Nagselos?

Natsikang diumano’y pinagselosan ni Marian Rivera si Andrea Torres na nakapareha ni Dingdong Dantes sa “Alyas Robinhood.” Sumugod pa sa set si Marian at hinanap si Andrea. Itinanggi naman ‘yun ni Andrea na aniya, wala siya noong nagpunta si Marian.

Purely work lang ang namagitan noon kina Andrea at Dingdong. Sa mga interbyu kay Marian, sinasabi niyang damang-dama niya ang pagmamahal sa kanya ng asawa niya. Ngayon pa ba siya magseselos at maiinsecure? Pinakasalan na siya ni Dingdong at may anak na sila.

Naka-love team noon ni Andrea si Mikael Daez. Pero never siya pinagselosan ni Megan Young. Never ito dumalaw sa taping ng mga teleseryeng pinagtambalan nina Andrea at Mikael. Secure si Megan sa pagmamahal ni Mikael sa kanya.

Gusto naming isipin na gano’n din si Marian kay Dingdong. Na buo ang tiwala niya sa kanyang husband.

Celebrity ambassadors

Hindi man nagwaging Favorite Pinoy Star sa 2017 Nickelodeon Kid’s Choice Awards si Janine Gutierrez, hinirang naman siya bilang bagong Youth Ambassador ng Worldwide Fund for Nature (WWF). Silang dalawa ni Andre Paras ang bagong celebrity youth ambassadors ng WWF.

Ani Janine, isang malaking karangalan na maging bahagi siya ng environmental organization. Pinaniniwalaan niya ang mga advocacy nito nama-preserve ang environment, climate change, earth hour at energy awareness.

Single but happy ang status ngayon ni Janine. Focused muna siya sa trabaho. Thankful siya sa magandang feedback sa “Legally Blind.”

Balik-“Encantadia” naman ang karakter ni Andre bilang Wahid. Natutuwa siya nakatrabaho niya muli ang cast na aniya, na-miss niya.

First project nina Janine at Andre bilang WWF ambassadors ang Earth Hour next weekend. Nasa SM by the Bay sa Mall of Asia sila para sa yearly event na ito.

comments