Home » Entertainment » Bitoy has no reason to leave gma-7

Bitoy has no reason to leave gma-7

19michael v copy copy

Patuloy ang pagiging isang Kapuso ng award-winning comedian and TV host na si Michael V. dahil muli siyang pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 noong nakaraang March 15.

Full force ang mga executives ng GMA-7 sa contract-signing ni Bitoy dahil isa ito sa pinaka-loyal na talent ng Kapuso Network at wala silang masabing hindi maganda sa pagiging professional ng naturang comic genius.

“Wala namang rason para iwan ko ang GMA-7.

“Ever since nagsimula ako rito 21 years ago, walang na-ging problema. Ito talaga ’yung bahay ko.

“Sinubukan kong gumawa ng project sa ibang Network pero dito talaga ’yung puso ko, hindi ko maaalis.

“Isa pa, masaya ako sa ganda ng relasyon ko with everyone here to the point na parang hindi na boss ’yung turing ko sa kanila, kung hindi parang kamag-anak na,” ngiti pa ni Bitoy.

Bida si Bitoy sa longest-running gag show na “Bubble Gang” at ang award-winning family sitcom na “Pepito Manaloto.”

Thankful si Bitoy dahil parehong mataas sa ratings ang dalawang shows niya na taon na ang binilang sa ere.

Twenty-one years na sa ere ang “Bubble Gang” at seven years na ang “Pepito Manaloto.”

“Actually, kaya kami running pa rin ngayon ay dahil sa viewers. Kaya naman makakaasa sila na may iba pang mga dadagdag at bibisita. Para ’yun sa kanila.

“Sabi ko nga, they inspire us. Sa kanila kami humuhugot ng inspirasyon o idea so masaya ako sa suporta nila sa amin since then,” diin pa niya.

Prized possession kung ituring si Bitoy ng GMA-7 kaya only the best shows ang binibigay nila rito.

May sisimulan na isang bagong show si Bitoy na isang contest format. Excited na ang comedian para sa bagong challenge sa career niya.

“Bagong show, bagong challenge. ‘Yan ang gusto ko sa GMA-7 kasi hindi nila ako nilalagay sa isang kahon,” pagtapos pa ni Michael V. (Ruel J. Mendoza)

comments