Home » News » News Roundup » Cops gun down 2 holdup men in Tondo

Cops gun down 2 holdup men in Tondo

Dalawang hinihinalang holdaper ang namatay pagkatapos makipagbarilan sa mga police sa Tondo, Manila kahapon.

Kinilala ng Manila Police District ang mga suspect na sina Roselito Gerellana, 45, isang scavenger; at Martino Salatandor, alias “Junior,” 26.

Ayon sa imbestigasyon, nagpapatrol ang mga alagad ng MPD Station 1 nang makita nila ang mga suspect na nakatambay sa isang eskinita sa Radial 10, Pier 18, Vitas. Talamak umano ang lugar sa holdapan, ayon sa police.

Lumapit ang mga police upang sitahin sila pero bumunot ng baril ang mga suspect at pinaputukan ang mga alagad ng batas.

Gumanti ng putok ang mga police at bumulagta ang mga suspect. Dinala ang mga suspect sa Tondo Medical Center kung saan sila idineklarang dead on arrival. (Analou de Vera)

comments