Home » Entertainment » Ryza almost loses other woman role in ‘Ika-6 na Utos’

Ryza almost loses other woman role in ‘Ika-6 na Utos’

19ryza cenon copy

Inamin ng Kapuso actress at StarStruck 2 Ultimate Female Survivor na si Ryza Cenon na muntik na niyang hindi siputin ang audition para sa role na Georgia sa teleserye na “Ika-6 Na Utos” ng GMA-7.

Umaani ng positive at negative feedbacks si Ryza dahil sa role niya bilang other woman sa naturang teleserye kunsaan bida sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon.

Muntik na palang hindi si Ryza ang gumanap sa naturang other woman role.

“Kung tutuusin, ayoko talaga siyang tanggapin nung una.

“’Yung audition, ayoko talaga siyang puntahan, ayoko siyang kunin kasi alam ko na ‘yung story.

“Hindi ko kasi alam kung kakayanin ko kasi ang layu-layo niya sa akin at hindi ko alam kung saan ko siya huhugutin.

“Eh si Ate Shine (Sunshine Dizon), full pack siya eh, hugot na hugot siya. Feeling ko, magsasalita pa lang ako, hampasin na niya ako,” tawa pa ni Ryza.

Nag-alinlangan din si Ryza sa mga maiinit na eksena nila ni Gabby. Lalo na raw ang bed scene at ang mga kissing scenes.

“That time po kasi, exclusively dating na kami ni Cholo Barretto. Parang nakakahiyang tanggapin ko ang role na ‘yon.

“Pero si Cholo pa ang nagsabi na tanggapin ko kasi ibang challenge yun sa pagiging artista ko.

“Kaya pinag-isipan ko ng mabuti at nag-audition na po ako,” kuwento pa ni Ryza.

Pero lahat nang nangyayari sa buhay ng isang tao ay may rason. Meant na gampanan ni Ryza ang role na Georgia at malaking pagsisisi kung hindi siya ang gumanap dito.

“Hindi ko naman inakala na mabibigyan ko siya ng justice.

“Although lahat naman ng roles na nakukuha ko, lagi kong pinagdadasal na sana mabigyan ko ng justice.

“I’m so grateful and happy na ganito ‘yung result ng pinaghirapan naming lahat,” pagtapos pa ni Ryza Cenon.
(Ruel J. Mendoza)

comments