Home » Entertainment » Angel Locsin, happy heart again

Angel Locsin, happy heart again

Angel locsin short hair1 copy copy

Happy heart again si Angel Locsin. Tumitibok-tibok na muli ang kanyang puso. Sa isang interbyu, inamin niyang she’s dating a non-showbiz guy na ayaw pa niyang pangalanan. Nasa getting-to-know stage pa lang sila. Baka nga naman maudlot pa.

Masaya ang fans and supporters ni Angel para sa kanya at wish nilang tuluy-tuloy na ang pag-move on niya. She deserves to be happy too and find someone na magpapasaya muli ng puso niya.

Bday girl

Malapit na ang 18th birthday ng Startruck 6 Ultimate Female Survivor na si Klea Pineda. Marami ang nagandahan sa lumabas na pre-debut photo shoot niya. Charming at fierce ang dating niya na bumagay sa karakter niya bilang Muyak sa “Encantadia.” May mga nagsasabing beauty queen material din si Klea.

Kahit busy siya sa taping, naisisingit pa ni Klea ang pag-aasikaso para sa gaganaping debut party niya. Aniya, excited siya at gusto niyang maging memorable ang kanyang 18th birthday. Minsan lang kasi mag-debut ang isang babae.

Blessing sa kanya ang pagkasali niya sa “Encantadia,” kaya sobrang thankful siya sa GMA 7. Kung dati’y isang lambana si Muyak, lumaki na siya at isa na siya sa mga bagong tagapangalaga ng Lireo. Kabilang sina Lira (Mikee Quintos), Mira (Kate Valdez), Ariana (Arra San Agustin), Deshna/Luna (Inah de Belen) at Pao Pao (Phytos Ramirez).

Kilala na

Kung nabubuhay lamang si German Moreno, for sure, happy at proud siya kay Sanya Lopez. She plays Danaya sa “Encantadia” na parati niyang sinasabi sa mga interbyu na malaki ang pasasalamat at utang na loob niya sa yumaong Master Showman.

Si kuya Germs ang nagbigay kay Sanya ng pagkakataon sa showbiz. Isinama siya nito sa defunct midnight (or early morning?) show, “Walang Tulugan with the Master Showman.”

Marami ang nagtaasan ang kilay at nagsabing “Sino siya?” noong ipahayag ng GMA na si Sanya ang gaganap bilang Danaya sa “Encantadia.” Pero ngayon, kilala na siya at pinupuri ang acting niya sa naturang fantaserye. Pinagkakaguluhan na rin si Sanya sa mga mall show kasama ang “Encantadia” cast.

“Kung hindi dahil kay kuya Germs, hindi ko alam kung nasaan ako ngayon,” ani Sanya. May “mata at pulso” talaga si kuya Germs sa mga baguhang may potensiyal.

comments