Home » Entertainment » Mike Tan, ready for bigger, meatier roles

Mike Tan, ready for bigger, meatier roles

mike tan copy copy

Isa sa matatawag na loyal talents ng GMA-7 si Mike Tan.

Pagkatapos ng 13 years after niyang manalo bilang Ultimate Male Survivor sa StarStruck 2, nanatili pa rin siyang Kapuso at kakapirma niya ulit ng bagong exclusive contract.

“Hindi ko kasi talaga makita na umalis ako sa Network na nagpasikat sa akin, nagturo sa akin at talagang nagmamahal sa akin.

“Ever since naman, nandito sila for me and never nila akong pinabayaan, through ups and downs, andiyan sila para sa akin.

“Never nila akong binigyan ng hindi ko gustong proyekto. Lagi nilang pinararamdam sa akin yung tiwala kaya lagi akong thankful na nandito ako sa GMA,” diin p niya.

Present ang mga GMA executives sa contract-signing ni Mike.

Kabilang sa mga naging projects ni Mike sa GMA-7 ay mga teleserye na “Sugo,” “Marimar,” “Maging Akin Ka Lamang,” “Rosalinda,” “Trudis Liit,” “Kung Aagawin Mo Ang Langit,” “Legacy,” “Faithfully,” “Mga Basang Sisiw,” “The Rich Man’s Daughter,” and “The Millionaire’s Wife.”

Kasalukuyang napapanood si Mike sa afternoon teleserye na “Ika-6 Na Utos.”

“Parang ngayon lang ako ulit gumawa ng ganito kabigat na role.

“Lagi naman akong handa para sa mas mabigat at mas malaman na role sa TV.

“Aaminin ko, hindi siya madali. Mahirap siya. Kasi ‘yung mga nakaraan kong ginawa, sa akin mahirap na ‘yun, pero hindi kasing bigat nito, hindi kasing lalim ng hugot nito.

“Sa The Millionaire’s Wife, kailangan mong pigilan. Dito sa soap, kailangan mong ibigay. Kailangan mong umiyak, magalit, magselos, minsan hindi ko na alam ang reaction kasi hindi ko naman na-experience ‘yun.

“Ang ginagawa ko, nakikinig na lang ako tapos kung ano ang maging reaction ko, ‘yun na ‘yun,” pagtapos pa ni Mike Tan. (RUEL J. MENDOZA)

comments