Home » Entertainment » Barbie, inggit kay Bea?

Barbie, inggit kay Bea?

27barbie copy copy

Makakatrabaho ni Bea Binene sa “Mulawin Vs. Ravena (MVR)” si Kiko Estrada, ex-boyfriend ni Barbie Forteza. Mapag-usapan kaya nila si Barbie? Close friends sina Bea at Barbie na nakatrabaho nila si Kiko sa “Tweenhearts.”

Gaganap si Bea bilang Anya sa MVR, samantalang gaganap naman bilang Rafael si Kiko. Makaka-love triangle nila si Derrick Monasterio na gaganap bilang Almiro. Matalik na magkaibigan sina Almiro at Rafael na magiging mortal enemies.

Hindi naman kaya naiinggit si Barbie kay Bea na makakatrabaho nito si Dennis Trillo sa MVR? Naunahan siya ni Bea makasama sa isang project ang long-time crush niyang aktor. Matagal nang pangarap ni Barbie makatrabaho si Dennis na gaganap bilang Gabriel sa MVR.

Balik-trabaho

Back to work na si Angelu de Leon matapos siyang mamahinga dahil nagka-Bels Palsy siya. Magaling na ang aktres at kasama siya sa cast ng “Mulawin Vs. Ravena.” Gaganap siya bilang Lourdes na dating ginampanan ni Amy Austria na tumayong ina ni Alwina (Angel Locsin na gagampanan ngayon ni Heart Evangelista).

Nasa cast din sina Bobby Andrews bilang Dionisio at Joko Diaz bilang Antonio. Dating magka-love team sina Angelu at Bobby, samantalang si Joko naman ang biological father ng panganay na anak ni Angelu.

Matatandaang nasa kasikatan ang Bobby-Angelu love team noong nabuntis si Angelu. Happily married na ngayon si Angelu sa isang non-showbiz guy. Non-showbiz din ang napangasawa ni Bobby. Si Joko kaya? Family man na rin kaya siya?

By the way, mapapanood si Angelu this Sunday sa “People Vs. The Stars” bilang celebrity player. Kasama sina Gladys Reyes at Tina Paner. Hosted by Drew Arellano and Iya Villania.

Magkasama

Kasama rin sa cast ng “Mulawin Vs. Ravena” sina Regine Velasquez at Ariel Rivera. Former sweethearts ang dalawa.

Bagong karakter ang gagampanan ni Regine bilang Sandawa. Ewan lang kung ano naman ang karakter ni Ariel na no show sa cast reveal sa “24 Oras.”

Wala rin si Regine. Siguro naman, hindi na iintrigahin ang pagsasama nina Regine at Ariel sa MVR. Both are happily married. Si Regine, kay Ogie Alcasid, si Ariel, kay Gelli de Belen.

Magandang abangan kung magkakasama sa mga eksena sina Regine at Ariel.

comments