Home » News » News Roundup » Lolo, 65, nagbaril sa sarili

Lolo, 65, nagbaril sa sarili

Dahil sa problemang pinansiyal, nagpakamatay ang isang 65-taong gulang na lalaki sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng inuupahan kuwarto sa Malate, Manila, noong Miyerkules ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Severeo Rabago dahil sa tama ng bala sa dibdib, ayon kay SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District homicide section.

Natagpuang duguan si Rabago ng kaniyang asawang si Charito dakong 11:30 a.m. sa loob ng kaniyang silid sa San Andres Street.

Nakuha sa kuwarto ng biktima ang isang Smith and Wesson gun na kargado ng bala. Ayon kay Charito, unang nagtangkang magpakamatay ang kaniyang asawa sa pamamagitan ng paglunok ng 20 medicine tablets.

Sinabi niya sa mga imbestigador na may kinakaharap na problemang pinansiyal ang kanilang pamilya at matagal nang pinahihirapan ng asthma ang kaniyang asawa. (Analou De Vera)

comments