Home » News » News Roundup » Suspected drug pusher itinumba

Suspected drug pusher itinumba

Patay ang isang hinihinalang drug pusher habang isang passersby ang nasugtan nang barilin siya ng hindi kilalang kalalakihan sa Taguig City noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng police ang napatay na drug suspect na si Jose Romarico Carpeña Jr. alias “Jojo”, 52, ng Barangay Bagumbayan, Taguig.

Isang Bernard Alto ang tinamaan ng stray bullet sa tuhod at kaagad na naisugod sa Taguig-Pateros District Hospital.

Base sa initial investigation, nakaupo si Carpeña sa isang motorsiklong nakaparada sa madilim na eskinita sa V.P. Cruz St., Purok 5, Brgy. Lower Bicutan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Dead on the spot si Carpeña dahil sa walong tama ng bala sa likod ng ulo. Nadamay si Alto na napadaan lamang sa lugar na iyon.

Ayon kay Edwin Papa, barangay officer, si Carpeña ay kilabot na drug pusher sa Barangay Bagumbayan na nagbebenta ng shabu sa mga residente ng Purok 5 at mga kalapit barangay.

Na-recover ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng krimen ang walong basyo ng bala ng 9mm at .45-caliber pistols.

Nakuha rin ng SOCO sa bulsa ni Carpeña ang anim na sachets na naglalaman ng shabu. (Martin A. Sadongdong)

comments