Home » Entertainment » Anak, ayaw makatrabaho ang ina

Anak, ayaw makatrabaho ang ina

1Inah de Belen copy copy

Nag-expire na ang kontrata ni Aljur Abrenica sa GMA Network. Hindi na ‘yun ni-renew ng istasyon. Kung hindi kaya nagkaroon ng isyu noon kay Aljur at sa GMA7, mananatili kaya siyang Kapuso?

Ngayong tapos na ang kanyang kontrata, Malaya na si Aljur magtrabaho sa ibang network. Sundan kaya niya ang kapatid niyang si Vin sa ABS-CBN? Gugustuhin kaya ni Aljur maging Kapamilya na rin?

Soon-to-be father na si Aljur at manganganak na si Kylie Padilla sa kanilang first baby this July. Harinawang maging lucky charm ni Aljur ang kanilang baby at maging aktibo siyang muli sa kanyang career.

Sa showbiz pa naman, out of sight, out of mind.

Maiilang

Magkasunod ang serye ng mag-inang Janice at Inah de Belen na umeeresa GMA7. Napapanood si Inah sa “Encantadia,” kasunod nito ang “Destined to be Yours” ni Janice.

Ani Inah, parang hindi pa niya makakayang makatrabaho ang kanyang mommy Janice sa isang project. “Maiilang ako. Ang galing niyang artista,” ani Inah nang nakausap namin sa taping ng “Encantadia.”

Aniya pa, maiilang din siya sa kanyang daddy John Estrada dahil magaling din itong artista.

Tanggap na ni Inah na may kanya-kanya nang buhay ang kanyang parents. Happily married na si John kay Priscilla Meirelles at meron na silang anak. Ani Inah, okey ang relasyon niya sa kanyang step mom, pati sa kanyang half sibling.

Okey naman kay Inah na magka-lovelife muli ang kanyang mommy Janice. “Basta mamahalin at aalagaan siya,” she said.

Sobrang nag-e-enjoy naman siya sa “Encantadia.” “Masaya sa set. Kakaibang experience. Ang gaganda pa ng costumes namin,” wika ni Inah.

Sad lang siya dahil pinatay na ang karakter ng boyfriend niyang si Jake Vargas bilang Gilas, pati ang karakter nina Mikee Quintos (Lira) at Kate Valdez (Mira) na naging close friends na niya.

Effective

Na-master na ni Lauren Young ang pagiging kontrabida. Nakakadala ang karakter niya bilang Charie sa “Legally Blind.”

Para bang gusto mong sampalin, sabunutan at ingudngod si Lauren sa pagmamaldita niya kay Janine Gutierrez (as Grace).

Affected much ang fans ni Janine at hate na hate nila si Lauren. Thankful naman si Lauren dahil ibig daw sabihin, effective ang acting niya. Maldita pa more!

comments