Home » News » News Roundup » Lalaki, natagpuang patay sa Caloocan

Lalaki, natagpuang patay sa Caloocan

Isang bangkay ng lalaki na balot ng packaging tape ang ulo ang natagpuan sa kalye ng Caloocan City kahapon ng umaga.

Ayon kay Caloocan Police chief Senior Supt. Chito G. Bersaluna, ang bangkay ay nakasuot ng black t-shirt at white short pants, at may mga tattoo na bungo at espada sa dibdib.

Nakita ang bangkay ng dalawang security guards na nagpapatrol sa Vetarans Avenue, Barangay 171, Caloocan, bandang 6 a.m.

Nagtamao ng maraming saksak sa katawan ang biktima at naiwan pang nakasaksak ang isang kutsilyo sa kaniyang dibdib. Walang identification card na nakuha sa katawan ng lalaki.

Sinabi ng police na titingnan nila ang closed-circuit television (CCTV) footages sa lugar para ma-resolba ang kaso.

Naniniwala ang mga imbestigador na biktima ang summary execution ang lalaki at may indikasyon na itinapon lamang siya sa naturang kalye matapos patayin sa ibang lugar. (Jel Santos)

comments