Home » Entertainment » Ina Feleo and her secret to a fit body

Ina Feleo and her secret to a fit body

Napapanood si Ina Feleo bilang ang scheming at ambisyosa na si Catalina sa GMA primetime teleserye na Destined To Be Yours.

Bukod sa pag-arte, bilib ang marami kay Ina dahil sa kanyang magandang pangangatawan.

Summer-ready si Ina dahil alaga siya sa workout, yoga at tamang diet.

Ang mga Instagram post ng aktres ay puno ng photos at videos ng kanyang workout at pati na ang mga pagkain na kasama sa diet niya.

Gumawa ng sariling YouTube channel si Ina kunsaan nagbibigay siya ng tips at sine-share niya ang secrets ng kanyang healthy and fit body.

Para sa unang video ni Ina, nag-prepare siya ng isang special chicken and broccoli dish. Isa raw ito sa sikreto ng flat tummy ng aktres.

Heto ang pinost niyang caption sa video:

“Started a YouTube channel today The first video I made is a very short tutorial on one of the easiest meal preps I know–Chicken and Broccoli. This is something that I do a lot because it’s healthy, it helps me get the flat stomach i want, its yummy (I’m a chicken girl) but also you can be done cooking it in as little as 10minutes! Kaya no excuses diba? Pls check it out and subscribe if you like, for more videos Link in bio ”

Sa mga sumunod na videos ni Ina, ang iba’t ibang klaseng exercise ang pinost niya tulad ng kanyang Quick 15-Minute Abs Workout, Donkey Series-Butt Shaping Workout at ang iba’t ibang poses niya na mga stretching exercises at kaya pa niyang mag-head stand.

May sarili ding line ng workout wear si Ina na malapit nang ilabas sa market na Ina Active Wear.

Committed si Ina sa pagkaroon ng healthy lifestyle na sana’y matularan ng maraming nakakapanood ng videos niya sa YouTube. (RUEL J. MENDOZA)

comments