Home » Entertainment » KathNiel, exclusive na sa isa’t isa

KathNiel, exclusive na sa isa’t isa

1kathniel-copy-copy

Sobrang komportable na sa isa’t isa sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Sa presscon ng “Can’t Help Falling in Love,” nakapatong ang isang kamay ni Daniel sa tuhod ni Kathryn. Walang kapalag-palag ang huli at hinayaan niyang himas-himasin pa ni Daniel ang kanyang tuhod.

Nang pansinin ‘yun ng press, ani Daniel, pinoprotektahan lang niya si Kathryn dahil maikli ang suot nitong damit, kaya tinatakpan ng kamay niya ang tuhod nito. Ikaw na girl, haba ng hair mo!

Pahimas-himas naman si Kathryn sa balikat at ulo ni Daniel. Pahawak-hawak sa braso ng reel-and-real life ka-love team. Ani Kathryn, nahawa na siya kay Daniel sa ka-sweetan nito. Exclusive na sila sa isa’t isa, ayon kay Daniel.

May nagtanong kung nasabi na ba niya kay Kathryn ang “Can’t help falling in love” na title ng kanilang movie, “Matagal na,” ang mabilis na sagot ni Daniel.

Best birthday

Kamakailan ay nagbakasyon sa El Nido, Palawan sina Daniel at Kathryn kasama ang ilang friends nila. Doon nag-celebrate ng kanyang 21st birthday si Kathryn. Four days sila roon na aniya, best birthday ever niya ‘yun.

Nag-island hopping sila, nag-snorkling, nagpunta sa mga lagoon, nag-ikot.

Walang birthday gift kay Kathryn si Daniel na aniya, pagmamahal lang at ‘yung effort niya na samahan at alalayan si Kathryn sa Palawan. Soon to follow ang material gift niya sa kanyang lovey dovey.

‘Kasuwerte naman ni Kathryn dahil mukhang so much in love sa kanya si Daniel. Mukhang one-woman-man. Mukhang hindi namana ni Daniel ang pagiging chickboys ng kanyang uncle Robin at daddy Rommel Padilla.

Nasorpresa

Kasama sa cast ng “Can’t Help Falling in Love” si Matteo Guidicelli. Kamakailan ay nag-birthday din siya at isang simple celebration lang ang naganap sa hometown niya sa Cebu with his family and some friends.
Aniya, nasorpresa siya sa pagdating doon ni Sarah Geronimo. Hindi niya ‘yun ini-expect, kaya sobrang happy siya .
Si Matteo ang third wheel sa relasyon nina Daniel at Kathryn sa “Can’t Help Falling In Love.” First time niya nakatrabaho ang mga ito at nag-enjoy siya. Showing on April 15 (Black Saturday) ang CHFIL. Produced by Star Cinema and directed by Mae Cruz-Alviar.

comments