Home » News » News Roundup » Snatcher nabbed in Manila

Snatcher nabbed in Manila

Timbog sa mga police ang isang lalaking nang-agaw umano ng cellphone ng 21-year-old working student kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Sinabi ng Manila Police District na nagaabang ng masasakyang jeepney ang biktimang si Gladys Isip na working student at residente ng Quezon City sa kanto ng Rizal Ave. and Blumentritt St. nang mangyari ang insidente.

Tumabi ang suspect na si Jay-R Navita na miyembro umano ng Sputnik Gang kasama ang isang lalaking kinilalang si Arnold Ramos at hinablot ang cellphone na ginagamit ng biktima na nagkakahalaga ng P2,100.

Hinabol ng biktima ang mga suspect na tumakbo patungong Blumentritt St. Napansin ng mga police ang kaguluhan at hinabol din ang mga suspect.

Nacorner at naaresto si Navita pagkatapos ng ilang minutong habulan at dinala sa MPD Blumentritt Police Community Precinct kung saan siya kasalukuyang nakadetain.

Hindi narecover ang cellphone ng biktima na hinihinalang naipasa sa kanyang kasama. Nahaharap sa kasong robbery-snatching si Navita sa Manila Prosecutor’s Office. (Analou de Vera)

comments