Home » Entertainment » WCOPA champ wants to collaborate with Sarah, KZ

WCOPA champ wants to collaborate with Sarah, KZ

Gusto palang maka-collaborate at maka-duet ng baguhang singer at Penser Q Talents artist na si Geca Morales ang mga idolo niyang sina KZ Tandingan at Sarah Geronimo.

“Sobrang dream ko po talaga iyon. I really look up to them and it will be a great honor na maka-collaborate ko sila and to perform with them on the same stage,” sabi ni Geca.

Looking forward daw siya na matupad ang pangarap niyang ito. Sa ngayon, masayang-masaya si Geca na isa na rin siyang recording artist katulad ng kanyang mga idolo.

Noong March 28 ay ini-launch sa Book and Borders Café sa Tomas Morato, Quezon City ang first single at music video ni Geca na may titulong Oo, Ikaw under MCA Music (Universal Music Philippines).

Bago pa naging recording artist si Geca ay nauna muna niyang ipinamalas ang kanyang galing sa pagkanta nang mapabilang siya last year sa Philippine delegation na sumabak sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) sa California, USA. Itinanghal siyang Senior Solo Vocalist for Team Philippines matapos niyang magwagi ng gold medal sa Female Vocal Rap Category at silver medal naman sa Female Vocal Rock Category.

Mapapakinggan at maaaring i-download ang debut single ni Geca na Oo, Ikaw sa Amazon, iTunes, Spotify, Deezer, at YouTube. For more information, visit www.facebook.com/GecaMoralesOfficial. (GLEN P. SIBONGA)

comments