Home » News » News Roundup » Village driver, patay sa ambush

Village driver, patay sa ambush

Patay ang isang barangay medic-driver nang paulanan ng bala ng dalawang nakamotorsiklong lalaki sa Quezon City kahapon ng umaga.

Base sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 (PS-6), dead on the spot si Albert Victo, 41, residente ng Barangay Bagong Silangan, Quezon City, dahil sa dami ng bala na tumama sa kaniyang ulo at katawan.

Sinabi ni Supt. Lito Patay, QCPD Batasan PS-6 station commander, na naganap ang pamamaril dakong 2:50 a.m. sa kahabaan ng Commonwealth Avenue malapit sa St. Peter Chapel, Barangay Old Balara, Quezon City.

Napag-alaman na minamaneho ng biktima ang kaniyang blue motorcycle (for registration) nang sundan at pagbabarilin siya ng dalawang salarin na nakamotorsiklo.

Namatay ang biktima pagbagsak niya mula sa motorsiklo. Mabilis na tumakas ang dalawang armadong lalaki. Na-recover ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa lugar ng krimen ang 12 basyo ng bala.

Patuloy pang sinisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ang insidente para malaman ang motibo at ang mga tao sa likod ng pagpatay sa biktima. (Francis T. Wakefield)

comments