Home » Entertainment » Dennis at Jennylyn, Korea-bound

Dennis at Jennylyn, Korea-bound

dennis-and-jen-foto-copy-copy

Magbabalik sa “Encantadia” ang karakter nina Dingdong Dantes at Marian Rivera bilang Raquim at Reyna Mine-A respectively. Tutulungan nila ang mga sang’gre sa pakikipaglaban kay Avria (Eula Valdes).

Nagbalik na si Hagorn (John Arcilla) at bagong pasok na karakter naman si Ian de Leon bilang Keros.

Ang dami namang haters nina Neil Ryan Sese (Asval) at Rochelle Pangilinan (Andora) dahil pinatay nila ang karakter nina Kate Valdez (Mira), Jake Vargas (Gilas) at Mikee Quintos (Lira). Sana raw ay sila na ang susunod na karakter na mamamatay.

Nagpasalamat pa sila sa kanilang haters dahil ibig daw sabihin, effective ang kanilang performances.

Inspiring

Hindi matanggap ni Janine Gutierrez ang sinabi ni Ricky Davao na better actress siya than her mom, Lotlot de Leon. Si Ricky ang director ng “Legally Blind” where she plays Grace. Ani Janine, nahihiya siya dahil mas magaling ang kanyang mommy Lotlot.

Buhos ang effort ni Janine sa pagganap niya sa kanyang role sa “Legally Blind.” Sumali pa siya sa isang immersion kasama ang mga visually impaired para mas maintindihan niya ang pinagdaraanan ng mga ito.

May mga bulag na teachers na may mga anak ang nagtuturo roon. Hindi nila itinuturing na hadlang ang pagiging bulag.

Ani Janine, very inspiring ang mga ‘yun, kaya pangako ng Kapuso actress na sisikapin niyang iparating sa viewers ng “Legally Blind” ang kakaibang determinasyon ng mga visually impaired para ma-inspire rin sila sa kuwento ng mga ito.

Good daughter

Mas lalong darami ang blessings ni Jennylyn Mercado sa desisyon niyang patirahin na sa kanyang bahay ang biological dad niya. Matagal na itong nakatira sa Korea at susunduin niya ito roon kasama si Dennis Trillo. This Holy Week ang alis nila.

Dating musikero ang daddy ni Jen. Noong naghiwalay ang kanyang daddy at mommy, never nagtanim ng sama ng loob si Jen sa kanyang daddy. Ang namayapang ina-inahan ni Jen na si mommy Lydia ang nagpalaki at nag-alaga sa kanya.

Ngayong wala na ito, tama lang na kupkupin na ni Jen ang kanyang tunay na ama. Hindi pa huli ang lahat para makabawi sa bonding moments ng mag-ama. For sure, sabik na itong makita at makapiling si Jen and her son, Alex Jazz.

comments