Home » News » News Roundup » Lalaki, binaril ng motorcycle riders

Lalaki, binaril ng motorcycle riders

Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin ng dalawang nakamotorsiklong salarin habang papauwi sa kaniyang bahay sa Camarin, Caloocan, noong Lunes ng hapon.

Kinilala ni Senior Supt. Chito G. Bersaluna, Caloocan Police chief, ang biktima na si Lloyd Tobias.

Base sa police report, naglalakad si Tobias sa kahabaan ng Maharlika St. sa Barangay 178, Caloocan, nang paulanan ng bala ng dalawang armadong lalaki na nakasuot ng bonnet dakong 1 p.m.

Namatay noon din ang biktima habang mabilis na tumakas ang dalawang salarin.

Na-recover ng police sa crime scene ang anim na basyo ng bala.

Pagtuloy pang iniimbestigahan ng police ang insidente. (Jel Santos)

comments